Posted by: bundokera | February 7, 2013

Surprise Bridal Shower

Ang pinakamahalagang tao sa buhay na ibinigay ng Diyos bukod sa pamilya ay ang mga kaibigan mo. Marami tayong kaibigan at iba-ibang klaseng tao sila. At sa dame ng pinagdaanan at pagdadaanan niyo sa buhay na magkakasama, malalaman mo na kung sino ang mga tunay mong kaibigan na hindi mo lang sa kasiyahan makakasama kundi pati dadamayan ka din sa kalungkutan at problema. At masaya ako na may mga tunay akong kaibigan!

Surprise bridal shower with my wonderful friends. Picture taking with the cutie give away. :P

Surprise bridal shower with my wonderful friends. Picture taking with the cutie give away. :P

Super thanks to my Maniark family. Yes, I am so blessed! ^_^

Super thanks to my Maniark family. Yes, I am so blessed! ^_^

Bridal shower? Hindi ko talaga pinangarap o inisip man lang na magkakaroon ako nito. Sobrang saya ko talaga ng mga sandaling ito. Super thankful ako at nagkaroon ako ng mga tunay at maaasahang kaibigan na higit sa daliri ko sa kamay ang bilang. Masaya ako na kahit alam kong hindi lahat sila ay sang-ayon sa mga desisyong ginawa at ginagawa ko sa buhay ay handa pa rin silang ibigay ang kanilang suporta.

Kunwari prinsesang virgin. hehe. Sobrang salamat, friends! Napakasaya ko sa pinaggagagawa naten dito. Na-surprise talaga ako. Much appreciated all the effort! I love you all! <3

Kunwari prinsesang virgin. hehe. Sobrang salamat, friends! Napakasaya ko sa pinaggagagawa naten dito. Na-surprise talaga ako. Much appreciated all the effort! I love you all! <3

My cutie bridal cake. Labas pa ang nipple at ph.  Masasabi mo bang mga virgin pa ang pumili nyan? Hehe

My cutie bridal cake. Labas pa ang nipple at ph. Masasabi mo bang mga virgin pa ang pumili nyan? Hehe

Iba-iba man tayo ng paniniwala at paninindigan sa buhay. Maraming salamat at kusa ninyo pa ring binibigay ang pang-unawa at pag-intindi sa akin. Naramdaman ko ang halaga ko bilang tao, anak, kapatid at kaibigan dahil sa pagpapahalaga ninyo. Hindi ninyo nakakalimutan ipaalala sa akin na sa kabila ng mga kamalian ko sa buhay ay isa pa rin akong mabuting tao. Ilan kayo sa mga nagbibigay ng halaga sa buhay ko.

Isa ito sa mga pinakamasayang araw ng buhay ko at hinding-hindi ko ito malilimutan. Sobra akong nagpapasalamat sa aking mga kaibigan na nakaisip bumuo ng ganitong pangyayari sa buhay ko. Masaya ako at sobrang pinahahalagahan ko ang lahat ng kanilang pagod sa paghahanda nito para sa akin. Alam kong hindi madali para sa inyo ang mag-organize, mag-invite at ilihim sa akin ito. Mula sa patagong games na nakasulat sa yellow pad, wrong sent messages at kunwaring movie date namen ni Marj. Haha. Sobrang na-appreciate ko talaga ang mga ginawa ninyo para sa akin. It was really a success!

Surprise! Tuwang-tuwa tayo sa galak, Ayen. :P

Surprise! Tuwang-tuwa tayo sa galak, Ayen. :P

Okay, hawak-hawak lang muna.

Okay, hawak-hawak lang muna.

Nung naramdamang lalaki pala...

Nung naramdamang lalaki pala…

Subo na! Echos lang! Hehe. Maraming salamat sa makukulit na games. :)

Subo na! Echos lang! Hehe. Maraming salamat sa makukulit na games. :)

Maraming salamat sa lahat ng pumunta, nagpagod at gumastos para mapasaya ako. Alam ko kung gaano tayo ka-busy lahat sa trabaho. Alam ko din kung gaano natin pinahahalagahan ang bawat perang pinagpapaguran natin. At masaya ako na hindi kayo nagdalawang-isip na gumastos para sakin. Hehe. Mahal na mahal ko kayong lahat!

Hinding-hini ko malilimutan ang mga kulitan at ka-dramahan. Pinaiyak niyo ako ng bongga. Waley na ang fes!

Hinding-hindi ko malilimutan ang mga kulitan at ka-dramahan. Pinaiyak niyo ako ng bongga. Grabe ang ginawa ninyo sa mukha ko. Waley na ang fes!

Maraming salamat sa masarap na food. Nawa ay nabusog tayong lahat.

Maraming salamat sa masarap na food. Nawa ay nabusog tayong lahat.

Thanks also to Victoria Court. Echos! Maraming salamat sa magandan at private venue naten. Sobrang thank you from the bottom of my heart. <3

Thanks also to Victoria Court. Echos! Maraming salamat sa magandan at private venue naten. Sobrang thank you from the bottom of my heart. <3

Tell me who your friends are. And I tell you who you are.” I have wonderful, great, loving, supportive, blessed, God-fearing, family-oriented, genuine, risk-taker, jolly, strong, intelligent, beautiful, industrious, generous, wise and kuripot friends. So, you must know now who am I. :)

About these ads

Responses

  1. We love you badap! :) It was all worth it! Successful ang Bridal Shower! At puro exclamation point ako. Hahah :) )

  2. Thanks, badap! I love you! :*

  3. I love you too! Mwah. :)

  4. Congrats Ninay! Welcome to the Housewive’s Club!!! hehe :)

  5. Salamat Chiradee! God bless! :)


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: